An exquisite story.

boytigyawat:

TIME WILL COME. Darating talaga yung time na mabobored ka na sa Tumblr. Especially kung nahanap mo na ang sakto at mga totoong kaibigan na makatutulong sayo. Yung mga taong tunay na nagmamahal sayo. Kasi pag dumating yung mga panahong yun. Mauubusan ka na rin ng mga thoughts na pwede mong i-share sa Tumblr kasi sa kanila mo nalang yun ibabahagi at sa kanila palang, SAPAT NA.

And I think that the “time” that Neil’s trying to pertain has come (in my part). I just don’t know, but I casually feel “addict” to this blogsite. Maybe because I found my true friends, but mainly because I don’t think tumblr dash has to offer more on my interests as a blogger, too. :)


Hindi kami mayaman. Nakakainis lang din talaga minsan pag patuloy kang sinasabihan ng ibang tao na mayaman ka kahit na hindi naman talaga. Pipilitin pa kahit na sinasabi mo nang hindi. Kung meron man ako ng mga bagay na wala ka, siguro ay dahil pinaghirapan ko yun. Di naman din kasi pwede na asa ng asa na lang tayo sa ibang tao, minsan, kailangan nating pagsikapan yung mga bagay na gusto nating makuha.

E totoo naman talaga:

  • Hindi porke’t nasa private school, e mayaman na.
  • Hindi porke’t may mamahaling phone, e mayaman na.
  • Hindi porke’t may magandang bahay, e mayaman na.
  • Hindi porke’t may magarang kotse, e mayaman na.

Hindi niyo lang alam kung gaano kami namomroblema sa pera. Hindi lang ako nagsasalita dahil ayaw ko nang ipagsabi pa sa lahat. Ayoko nang malaman ng iba na may problema kami sa pera. Para di na rin lumaki pa. Ganon.

Tulad ng ibang tao:

  • Gumagamit din ako ng paulit-ulit na damit.
  • Kumakain din ako ng street foods.
  • Sumasakay din ako sa mga jeep pag pauwi na.
  • Gumagawa rin ako ng mga gawain sa bahay.
  • Basta, ginagawa ko yung mga bagay na di pangmayaman.

Sadyang may mga bagay lang sa mundo na pinaghihirapan muna bago nakukuha. Hindi naman porke’t nakaranas ng konting kaginhawaan ay mayaman na agad. Tandaan mo yan.



I rarely see long posts and thoughts of specified topics. All I see when I refresh my dash are published TA’s. I so love reading, but I guess, tumblr won’t offer to exercise my reading skills. Geez people.


Friends will stay forever, but not the closeness you‘ve had will.
Kahit na anong gawin natin, walang kaibigang magsestay kasama tayo habang buhay. Oo, masakit pag alam mong lumalayo na yung loob niyo sa isa’t isa. Pero wala kang magagawa, di naman pwede na ikaw lang lagi yung  nakakasama, nakakausap, o di kaya naaalala.  Isa siguro sa mga rason ay dahil di kayo parehas ng mga tinatahak sa buhay. Kumbaga sa college pa yan, engineering course niya, tapos ikaw accountancy. Ibang-iba, diba? Kaya di naman pwedeng kayo forever na magkaclose. Nagiiba-iba talaga yan.
Let’s not be selfish na sarili lang natin ang iisipin natin. At some point, kailangan mo ring magparaya. Dahil ito ang dapat; dahil ito ang tama. Kailangan mo yun gawin para naman magkaroon kayo ng pagkakataong makilala at makasama ang ibang tao naman.
Pero di naman maiiwasan na di maalala yung mga pinagsamahan niyo. Siyempre, maaalala at maaalala mo ang lahat. Dahil noon, siya naman talaga yung pinaka-kaclose mo. Pero ngayon? Pasahan na lang ng GM, wala nang update-update sa buhay.
Yun bang noon:
Siya pa yung laging laman ng inbox mo kasi marami kayong napag-uusapan.
Siya pa yung lagi mong naaalala pag nakakakita ka ng pagkain. (Matakaw pala  ha ha)
Siya yung agad na pinupuntahan mo pag recess time na.
Siya yung dahilan ng pag-unli mo kasi nagtext siya bigla na may bago raw na issue sa school.
At marami pa.  Pero ngayon? Wala na, bigla na lang akong nagising na magkalayo na yung loob namin sa isa’t isa. Siguro ganon talaga. Siguro ganon talaga ang dapat na mangyari. Pero di mawawala yung mga saya na nadama ko nung siya yung kasama ko. In time, magsasama rin ule.

Friends will stay forever, but not the closeness you‘ve had will.

Kahit na anong gawin natin, walang kaibigang magsestay kasama tayo habang buhay. Oo, masakit pag alam mong lumalayo na yung loob niyo sa isa’t isa. Pero wala kang magagawa, di naman pwede na ikaw lang lagi yung  nakakasama, nakakausap, o di kaya naaalala.  Isa siguro sa mga rason ay dahil di kayo parehas ng mga tinatahak sa buhay. Kumbaga sa college pa yan, engineering course niya, tapos ikaw accountancy. Ibang-iba, diba? Kaya di naman pwedeng kayo forever na magkaclose. Nagiiba-iba talaga yan.

Let’s not be selfish na sarili lang natin ang iisipin natin. At some point, kailangan mo ring magparaya. Dahil ito ang dapat; dahil ito ang tama. Kailangan mo yun gawin para naman magkaroon kayo ng pagkakataong makilala at makasama ang ibang tao naman.

Pero di naman maiiwasan na di maalala yung mga pinagsamahan niyo. Siyempre, maaalala at maaalala mo ang lahat. Dahil noon, siya naman talaga yung pinaka-kaclose mo. Pero ngayon? Pasahan na lang ng GM, wala nang update-update sa buhay.

Yun bang noon:

  • Siya pa yung laging laman ng inbox mo kasi marami kayong napag-uusapan.
  • Siya pa yung lagi mong naaalala pag nakakakita ka ng pagkain. (Matakaw pala  ha ha)
  • Siya yung agad na pinupuntahan mo pag recess time na.
  • Siya yung dahilan ng pag-unli mo kasi nagtext siya bigla na may bago raw na issue sa school.

At marami pa.  Pero ngayon? Wala na, bigla na lang akong nagising na magkalayo na yung loob namin sa isa’t isa. Siguro ganon talaga. Siguro ganon talaga ang dapat na mangyari. Pero di mawawala yung mga saya na nadama ko nung siya yung kasama ko. In time, magsasama rin ule.

23 Notes Posted: 1 day ago Source: prominentlove Tags: thoughts  friendship  closeness  


Wala lang, ang saya talaga kasi enrolled na ko. Tapos ako lang mag-isang nagenroll sa sarili ko. May kasama ako pero wala eh, parang ako pa rin mag-isa yung nagenroll. Haha! Feeling ko, ang tanga-tanga ko talaga kahapon. Kasi di ko alam kung saan yung finance office, kung saan yung registrar, yung DSA, etc. dun sa campus. Ang gulo talaga. Haha! Pero nakakatuwa, kasi nung hapon na, natapos na ko. Enrolled na!

Hello sa mga nagbasa. Love you :-)

23 Notes Posted: 4 days ago Source: prominentlove Tags: life  enrollment  

Why I chose you over other better people?  Yes, they’re richer, they’ve got the looks, and they’re more famous, but they never treated me the way you did. Although they’re better than you, I chose you, still, for a lot of reasons. Maybe one is, you made me feel loved. You allowed me to experience how it is to fall in love with someone who’s loving me more than the way I can. I chose you ‘cause you taught me how to be contented of the things I have in life. I chose you ‘cause you were the only person who never left me from the times I really need someone to be talking to. 

I chose you ‘cause you chose to be with me, too. They didn’t.

15 Notes Posted: 4 days ago Source: prominentlove Tags: thoughts  love  forever  

Understanding o pag-iintindi sa ibang tao. Para sakin, oo, maganda yung marunong kang umintindi sa ibang tao. Pero hindi naman siguro tama na lagi mo na lang iintindihin ang isang tao sa lahat ng bagay na ginagawa niya.
Hindi naman tama yung:
Lagi mo na lang siya pinapabayaan sa ginagawa niya dahil naniniwala kang mahal mo siya at kaya mong tiisin yung mga priorities niya sa buhay.
Lagi na lang ikaw yung naghahabol sa kanya kasi naiintindihan mong busy siya sa mga ginagawa niya.
Lagi na lang walang paramdam kasi may ginagawa siyang importante.
Lagi mo na lang siyang iintindihin sa mga bagay na hindi naman dapat iniintindi pa dahil sobra na.
Minsan, mas maganda yung hindi ka rin marunong umintindi sa iba. Dun mo kase nakikita yung effort ng isang tao. Kung alam niyang magagalit o magtatampo ka kasi lagi na lang siyang walang oras para sayo, gagawa at gagawa siya ng paraan para di ka na mainis. Ganon. Hindi tulad pag lagi mo na lang iniintindi, napapadalas na rin eh. Gumagara na lang. Porke’t alam niyang iintindihin mo lang siya, kaya free siyang gawin kahit anong gusto niya.
Di naman dapat na lagi tayong underdog sa isang tao. Oo, mabuti yung ganun, na marunong tayo umintindi, na mababa lang pride natin, pero hindi naman siguro tama na inaabuso yung pagiintindi natin. Kaya minsan-minsan, mas effective din pag marunong tayong lumaban, marunong tayong magalit.

Understanding o pag-iintindi sa ibang tao. Para sakin, oo, maganda yung marunong kang umintindi sa ibang tao. Pero hindi naman siguro tama na lagi mo na lang iintindihin ang isang tao sa lahat ng bagay na ginagawa niya.

Hindi naman tama yung:

  • Lagi mo na lang siya pinapabayaan sa ginagawa niya dahil naniniwala kang mahal mo siya at kaya mong tiisin yung mga priorities niya sa buhay.
  • Lagi na lang ikaw yung naghahabol sa kanya kasi naiintindihan mong busy siya sa mga ginagawa niya.
  • Lagi na lang walang paramdam kasi may ginagawa siyang importante.
  • Lagi mo na lang siyang iintindihin sa mga bagay na hindi naman dapat iniintindi pa dahil sobra na.

Minsan, mas maganda yung hindi ka rin marunong umintindi sa iba. Dun mo kase nakikita yung effort ng isang tao. Kung alam niyang magagalit o magtatampo ka kasi lagi na lang siyang walang oras para sayo, gagawa at gagawa siya ng paraan para di ka na mainis. Ganon. Hindi tulad pag lagi mo na lang iniintindi, napapadalas na rin eh. Gumagara na lang. Porke’t alam niyang iintindihin mo lang siya, kaya free siyang gawin kahit anong gusto niya.

Di naman dapat na lagi tayong underdog sa isang tao. Oo, mabuti yung ganun, na marunong tayo umintindi, na mababa lang pride natin, pero hindi naman siguro tama na inaabuso yung pagiintindi natin. Kaya minsan-minsan, mas effective din pag marunong tayong lumaban, marunong tayong magalit.

31 Notes Posted: 4 days ago Source: prominentlove Tags: thoughts  understanding